Hinangaan ng netizens ang isang delivery rider na si John Libao dahil sa kanyang pagsauli nang nakitang pitaka sa may highway ng Victoria, Masapang, Laguna.

Tatlong oras na todo-effort na tinunton ng rider ang may-ari ng napulot niyang pitaka na naglalaman ng pera at IDs.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni John na ito ay isa sa mga turo ng kanyang magulang kaya naisip niya agad na ibalik ang pitaka.

“Ito po kasi tinuro ng magulang ko, ibalik yung mga gamit na hindi akin,” aniya.

“Inisip ko rin na baka namomroblema rin ang tao at kailangan niya ng sarili niyang pera, pinahirapan niya naman yan kaya ibinalik ko,” dagdag pa niya.

Lubos naman na nagpapasalamat ang may-ari ng pitaka.

“Sobrang nakaka-proud si kuya, may mga ganun pa palang tao ngayon na nagbabalik ng wallet,” aniya.

The post Honest delivery rider, hinangaan dahil sa pagsauli ng pitaka first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT