Inanunsyo ni Elon Musk nitong Huwebes na mag-aalis siya ng 1.5 billion inactive Twitter users.
Dagdag pa niya, ang mga inactive account na ito ay hindi na umano gumagamit ng Twitter sa loob ng mahigit 15 taon.
Sa ngayon, wala pang sinasabi ang si Musk sa eksaktong detalye nang pagtatanggal.
Ang pagtatanggal sa mga inactive users ay magbibigay daan din sa mga bagong paraan para mas lalong lumago ang Twitter.
Ang nasabing social media network ay nagpapalabas ng advertisements sa 237.8 milyong users nito. Ang mga advertisement nito ay hindi nakikita ng mga inactive user kaya hindi na rin nakakapag-generate ng advertising revenue.
Matatandaang ibinahagi ng Musk ang planong pagtatanggal sa mga inactive users nito pang Oktubre.
The post Inanunsyo ni Elon Musk na mag-aalis siya ng 1.5 Billion ‘inactive’ Twitter accounts first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento