Sinimulan na ng Negros Occidental Police Provincial Office (NOCPPO) ang inspeksyon nito sa mga tindahan ng paputok sa probinsya bilang parte ng kanilang “Oplan: Ligtas Kapaskuhan 2022”.
“Firecracker sellers must adhere to safety regulations,” saad ni Police Lieutenant Judesses Catalogo, NOCPPO spokesperson.
Layunin din ng nabanggit na inspeksyon na maiwasan ang mga iligal na paputok. Umaasa ang NOCPPO na maiiwasan ang firecracker-related injuries sa darating na Pasko at Bagong Taon.
Umapela rin si Catalogo sa mga magulang na huwag payagang gumamit ng paputok ang mga bata.
“This is the most effective way to prevent firecracker-related injuries in minors,” dagdag pa niya.
(Jan Terence)
The post Inspeksyon sa mga nagbebenta ng paputok, nagsimula na sa Negros Occidental first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento