Isang babae ang nasawi matapos ang matinding pagbaha na naranasan sa capital ng Portugal na Lisbon. Ang 55 taong gulang na babae ay na-trap umano sa kaniyang basement, ang asawa naman nito ay nailigtas.

Ang malakas na pag-ulan at hangin ay nagdulot ng pagbaha sa ilang kalsada at gusali, pati na rin pagtaob ng mga sasakyan. Isinara naman na ng mga awtoridad ang ilang kalsada at tunnels sa nasabing lugar.

Nasa ilalim naman na ng ‘red alert’ ang Lisbon, Santarem at south Algarve region dahil sa buhos ng ulan at malalakas na hangin.

May paalala naman si Civil Protection commander Andre Fernandes para sa mga residente.

“We appeal to people not to leave their homes during these periods of heavy rain,”

The post Isa todas, Portugal ginulat ng pagbaha first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT