Patay ang walong pasahero ng isang jeepney sa Tanay, Rizal matapos silang tangayin ng flash flood nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa Tanay Municipal Police Station, nangyari ang insidente sa Barangay Sta. Ines.

Base naman sa ulat, ang mga nasawi ay pitong senior citizen at isang limang taong gulang na bata.

Sinabi ni Sinabi ni Tanay, Rizal Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) chief Norberto Francisco Matienzo Jr., tatawid sana ng isa sa 15 na ilog ang jeep subalit bigla itong na-stuck atsaka tinangay ng flash flood.

“According sa isa sa mga witnesses natin…na-balahaw daw ‘yung kanilang sasakyan doon sa huling ilog na dapat sana, isang ilog na lang na malapit sa kanilang barangay. Ang problema, nabalahaw sila. Nagpa-batak sila sa isang kapwa jeep but then ang nangyari, may biglang flash flood na dumating so itong binabatak sana ay tumagilid at ‘yun ang dahilan matangay o magka-injury ang mga tao,” ani Matienzo sa Super Radyo dzBB.

(STN)

The post Jeep inanod sa ilog; 8 dedbol first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT