Wala umanong pangangailangan na madaliin ang pagpasa sa Maharlika Investment Fund (MIF), ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman.

“The proposed Maharlika Investment Fund (MIF) is a good idea whose time has not yet come in the Philippines considering the current economic environment of the country,” sabi ni Lagman.

Bukod sa walang sobrang pera, sinabi ni Lagman na walang magandang economic indicator na nagsasabi na ngayon ang tamang panahon para magkaroon ng MIF.

Hanggang noong Oktubre 2022, sinabi ni Lagman na nasa P1.1 trilyon ang budget deficit ng bansa at ang utang nito ay umakyat na sa P13.641 trilyon. Patuloy din umano ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at ang ratio ng deficit at gross domestic product.

Mababa rin umano ang per capital income ng Pilipinas batay sa datos ng World Bank noong 2021. Ang per capita income sa bansa ay $3,549, mababa kumpara sa Singapore ($72,794), Malaysia ($11,371), Thailand ($7,233), Indonesia ($4,297), at Vietnam ($3,694).

“Whatever investible resources the government and the GOCCs have, must not be parked in long-term contingent investments. They must be invested today for human development and sufficient allocations for education, health, employment, food security, and basic infrastructure,” giit ni Lagman.

Kung mayroon umanong pondo na maaaring gamitin ang gobyerno ay dapat gamitin ito ngayon upang matulungan ang mga naghihirap sa halip na ilagay sa mga investment na matagal bago mapakinabangan.

Kung ikukumpara sa ibang bansa, sinabi ni Lagman na “embarrassingly miniscule” ang pondo na gagamitin sa MIF.

Dapat umanong kalimutan na muna ang MIF at iwasan ang galit ng taumbayan. (Billy Begas)

The post Lagman: Maharlika Fund hindi kailangang madaliin first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT