Pinuna ni Albay Rep. Edcel Lagman ang pag-alis sa Pangulo bilang chairperson ng Maharlika Investment Corp. at pagpalit sa kanya ng kalihim ng Department of Finance (DOF).

“From the President to his alter ego, the Finance Secretary, to chair the Maharlika Investment Corporation – what is the difference?” tanong ni Lagman.

“The Finance Secretary serves at the pleasure of the President and must conform to the President’s bidding to retain his position,” dagdag pa ni Lagman.

Kung matutuloy man umano ang pagtatayo ng Maharlika Sovereign Wealth Fund dapat ang corporate management nito ay ilayo sa kontrol at panghihimasok ng mga politiko.

“The chair of the Maharlika Investment Corporation must be a truly qualified and experienced economic manager from the private sector,” giit ni Lagman.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Marikina Rep. Stella Luz Quimbo, isa sa mga may-akda ng Maharlika fund na papalitan ang Pangulo bilang chairperson ng Maharlika council ng kalihim ng DOF. (Billy Begas)

KW: Lagman, Maharlika Fund

SEO: Lagman Pinuna Pagpalit Sa Pangulo Bilang Chair Ng Maharlika Fund

META: Pinuna ni Albay Rep. Edcel Lagman ang pag-alis sa Pangulo bilang chairperson ng Maharlika Investment Corp. at pagpalit sa kanya ng kalihim ng Department of Finance.

The post Lagman pinuna pagpalit sa Pangulo bilang chair ng Maharlika Fund first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT