Umani ng samu’t saring reaksyon ang isang video clip ng ilang kababaihan na sumasayaw na parang sexbomb sa harap ng altar ng isang simbahan sa San Jose del Monte, Bulacan.

Ito ay dahil sa todo giling ng ilang kababaihan habang sumasabay sa sexbomb songs na naka-live umano para sa ikaanim na araw ng simbang gabi.

Hindi ito nagustuhan ng ilang netizens na nagsasabing ang nangyari umano ay nakakahiya.

“Sana sa patio na lang ng simbahan sa harap sa labas ng simbahan. Wag nyo ng ganyanin ang banal na tahanan ng Diyos father pakiaayos po para di tayo nakakahiya sa ibang sekta,” ani ng isang netizen sa comment section.

May isang netizen din na nagtataka bakit naman ito isinagawa sa harap pa umano ng altar.

“Literal ng Zumbang Gabi bakit naman po may pa SexBomb sa harap ng Altar? Kaya tayo na babash ng ibang sekta eh.”, aniya.

Sa kasalukuyan, hinihingi pa ang komento rito ng lokal na pamunuan ng nasabing simbahan.

The post ‘Literal na zumbang gabi’: Kababaihan, sumayaw parang sexbomb sa harap ng altar first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT