Gigil na gigil si Lorraine Badoy matapos malamang patay na si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Joma Sison.
Si Badoy, na dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson, ay sinabing nanghihinayang daw siya na hindi namatay si Sison sa Pilipinas.
Matatandaan na nakakuha ng political asylum si Sison sa Netherlands.
“My only regret is that he didn’t die here and by our own judicial system. And by our own hands,” wika ni Badoy.
“Nederlands coddled and lent protection to this mass murderer for close to 4 decades and he therefore did not pay for the million and one crimes he committed and the massive grief and sufferings he was responsible for,” aniya pa.
Lahad pa ni Badoy, masaya siya na onti-onti na raw gumuguho ang organisasyon na itinatag ni Sison.
“And I take gleeful joy knowing this weak organization whose sun rose and set on what this monster ordered and said now stands headless and it won’t be long till it totally crumbles,” lahad pa ni Badoy.
Humirit pa si Badoy nang patama kay Sison at tinawag din itong ‘demonyo’.
“Rest in Piss, Demonyo. May your soul burn in hell for all eternity,” bulalas ni Badoy.
Pumanaw si Sison nitong Biyernes matapos itong ma-confine ng dalawang linggo sa ospital sa Netherlands. (RP)
The post Lorraine Badoy natuwa sa pagkamatay ni Joma Sison: Rest in Piss, Demonyo first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento