Isang lungsod sa China ang kalahating milyon umano ang kaso ng COVID-19 kada araw.

Ayon sa US Today, iniulat ng news outlet na pinatatakbo ng Communist Party nitong Biyernes ang report ng health chief ng eastern city na Qingdao, na nasa 490,000 at 530,000 ang bagong COVID case nila kada araw.

Nasa sampung milyon ang populasyon ng nasabing coastal city.

Sa ngayon ay nasa “period of rapid transmission before a peak is approaching” umano ang Qingdao.

Matatandaang unang iniulat noong huling bahagi ng Disyembre 2019 ang mga kaso ng COVID-19 sa Wuhan na matatagpuan sa lalawigan ng Hubei ng gitnang Tsina.

Mabilis na kumalat ang virus sa labas ng Hubei. (IS)

The post Lungsod sa China, 500K kaso ng COVID kada araw first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT