Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Tinaga Island sa Camarines Norte nitong Miyerkoles.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang origin nito na tumama ng ala-1:05 ng hapon.

Naramdaman ito sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Intensity 2 sa Quezon City, Marikina City at Pasig City habang Intensity 1 sa Malabon City, Pasay, Muntinlupa City at San Juan City.

Intensity 5 naman sa Mercedes, Jose Panganiban, Camarines Norte

Intensity 4 sa Daet, Camarines Norte; Guinayangan, Polillo, Quezon

Intensity 3 sa Ragay, Pili, Iriga City, Camarines Sur; Mauban, Lopez, Mulanay, Alabat, Gumaca, Quezon.

Saad ng Phivolcs, inaasahan ang aftershocks matapos ng lindol ngunit walang inaasahang tsunami.

The post Magnitude 5.3 yumanig sa Camarines Norte, naramdaman sa Metro Manila first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT