Wala umano sa tiyempo ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) ayon kay Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado Jr.

Sa kanyang manipestasyon sa plenaryo, sinabi ni Bordado na bagamat maganda ang intensyon ng sovereign wealth funds (SWF) gaya ng MIF hindi maganda na simulan ito habang ang bansa ay mayroong P13.2 trilyong utang.

“Indeed, Mr. Speaker, putting up a sovereign wealth fund through Maharlika Investment Fund, can be beneficial to the country if done properly and on the right time,” sabi ni Bordado.

Ang debt to ratio umano ay nasa 64% kaya hindi basta-basta mababayaran ng bansa ang utang nito.

Pinuri naman ni Bordado ang mga may-akda sa pag-alis sa Social Security System at Government Social Insurance System bilang source ng Maharlika fund.

“I put emphasis on without explicit pension liabilities… We cannot put the future of our pensioners in limbo. Allocating billions of pesos of pension funds from both SSS and the GSIS would have been too risky,” dagdag ng solon. (Billy Begas)

The post Maharlika Fund wala sa timing – Camarines Sur solon first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT