Nakabawi na ang Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa backlog sa pag-iisyu ng passports matapos makapagtala ng mahigit tatlong milyong pasaporte na naipalabas mula Enero hanggang Oktubre.

Sa accomplishment report na isinumite sa MalacaƱang, sinabi ng DFA na nakapag-isyu sila ng 3,589,620 na mga pasaporte sa loob ng sampung buwan ngayong 2022.

Nagbukas din ang DFA ng dagdag na anim na temporary off-site passport services facilities upang mas maging mabilis ang serbisyo at makatugon sa dami ng mga kumukuha ng pasaporte.

Bukod sa pasaporte ay nakapag-isyu rin ang ahensya ng 55,574 visas at mahigit kalahating milyong Apostille certificates.

Matatandaang pahirapan ang pagkuha ng pasaporte noong panahon ng COVID-19 pandemic dahil sa limitadong bilang ng mga empleyado na pumapasok.

Idagdag pa rito ang ipinatupad na lockdowns noong 2020 na nagbapagal sa paghahatid ng serbisyo sa pasaporte. (Aileen Taliping)

The post Mahigit 3.5 milyong pasaporte nailabas ng DFA sa loob ng 10 buwan first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT