Handa na ang Simbahang Katolika sa darating na Simbang Gabi at Misa de Gallo ngayong buwan ng kapaskuhan.

Hinimok ni Archbishop Florentino Lavarias ng Archdiocese ng San Fernando ang lahat ng mananampalatayang Katoliko na personal na daluhan ang mga banal na pagdiriwang ngayong buwan sa halip na makiisa lamang sa online masses.

“Let us strongly encourage our parishioners to a real and actual celebration of the Simbang Bengi Masses and all other Masses subsequently n our Chapels and Churches, and no longer through virtual and on-line watching,” saad niya sa isang liham sirkular.

Pinahintulutan ng arsobispo ang anticipated masses mula December 15 hanngang 23 ng gabi.

Samantala, paalala ng mga pari na magsuot pa rin facemasks at sundin ang social distancing sa loob at labas ng mga simbahan at kapilya.

Dalangin ni Archbishop Lavarias ang kaligtasan lalo na sa kalusugan ng bawat makikiisa sa siyam na araw ng nobenaryo sa karangalan ng Mahal na Birheng Maria bilang paghahanda sa Pasko ng Pagsilang.

“Let us continuously pray the Oratio Imperata to our Santo Cristo del Perdon y Caridad through the intercession of our Virgen de los Remedios, ing Indu ning Kapaldanan,” ani ng arsobispo.
(Jan Terence)

The post Mananampalataya, hinimok na daluhan nang personal ang Simbang Gabi first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT