Pinatingkad ang makasaysayang gusali ng Philippine Post Office sa Maynila ng mga Parol at pailaw kasabay ng paglulunsad ng “Christmas 2022 Stamps” tampok ang tradisyonal na mga larawan ng Paskong Pinoy na nagpapakita ng pagbibigayan ng pagkain at regalo, pagpapailaw ng parol at pagsasama-sama ng pamilya.

Ayon kay Postmaster General Norman Fulgencio, kahit humaharap sa pagsubok ng buhay, tayong mga Pilipino ay laging handang salubungin ang pasko ng may masayang puso.

Naging panauhing pandangal ng Post Office ang mga “batang pinoy” ng Maynila na hinandugan naman nito ng mga pagkaing kanilang pinagsalu-saluhan.

“No matter how hard it is; Filipinos will always have the heart to celebrate Christmas. After all, Jesus is the reason for the season, kaya “tayo nagdiriwang ng pasko”. The simple act of sharing brings happiness and blessings”, ayon kay Postmaster General Fulgencio.

Aniya, lagi tayong nagdiriwang ng Pasko ng may kagalakan ng puso dahil sa pagsilang ni Hesus sa munting sabsaban. Ang pagpapailaw sa makasaysayang gusali ng Manila Central Post Office ay sumisimbulo ng pag-asa at makulay na kinabukasan para sa ating lahat.

Dagdag pa niya, “ang Post Office ay isa sa pinakalumang institusyon sa mundo na ipinamana ng ating mga ninuno. Lagi nating tatandaan na tayong lahat na mga kawani ng Post Office ay mga tagapangalaga ng serbisyong postal at dapat natin pagyamanin ito sa pamamagitan ng teknolohiya”.

Ipinahihiwatig sa selyo ang matibay na pananampalataya sa Diyos at ang masayang pagsama-sama ng pamilya at mga magkakaibigan.

Nais din ng PHLPost na maging sentro ng atraksyon ng mga bumibisita sa Maynila ang makasaysayang gusali ng post office upang maipakita ang mga natatanging selyo na naglalarawan ng mayamang kultura at kasaysayan ng bansa.

Naglimbag ng 40,000 kopya ang PHLPost para sa apat na magkakaibang disenyo ng selyo na nagkakahalaga ng P12 bawat isa. Idinisenyo ng In-house graphic arts designers’ na sina Agnes Rarangol, Ryman Dominic Albuladora , Eunice Beatrix Dabu and Israel Viyo ang mga makukulay na Christmas stamps.

Mabibili simula bukas, December 09, 2022 ang mga limitadong kopya ng stamps na may temang Unity, Faith and Prosperity sa Philatelic Counter, Manila Central Post Office.

Sa mga magtatanong tungkol dito, tumawag sa Tel. 8527-01-08 or 8527-01-32 o i-follow/like ang Facebook page: https://ift.tt/lRvuKMH

The post Manila Central Post Office inilawan, Christmas 2022 postage stamps inilunsad first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT