Tuloy-tuloy ang upload ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang YouTube channel na umabot na sa halos 3 million ang subscribers.

At nitong Biyernes ay ibinahagi niya na napadala na sa kanya ang YouTube gold play button na binibigay sa mga vlogger na abot sa 1 milyon ang tagasubaybay.

Ayon kay Bongbong, magandang Christmas gift ang nakuha niya mula sa YouTube.

“Tignan naman ninyo. Napakagandang Christmas gift na natanggap ko. Kayat nagpapasalamat ako sa lahat ng mga nagsusubaybay sa atin,” sambit ni PBBM.

“Ipagpatuloy natin ang pag post, ang pag comment at pag subscribe dito sa ating social media,” aniya pa.

The post Marcos nakuha gold play button sa YouTube first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT