Nakaranas ng magnitude 6.0 na lindol ang lugar ng southern Mexico. Wala naman umanong malubhang nasaktan sa nasabing paglindol.

Dagdag pa rito, wala rin namatay sa nasabing lindol, ito ay kinumpirma ni Guerrero Governor Evelyn Salgado sa ibinahaging live conversation sa Twitter ni President Andrés Manuel López Obrador.

Patuloy naman umano ang civil defense sa pagsiguro kung mayroong mga pinsala pa ang dulot ng lindol sa nasabing lugar.

The post Mexico niyanig ng magnitude 6.0 na lindol first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT