Asahan ang isang low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng Mindanao na magdudulot ng mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa, ayon sa PAGASA nitong Huwebes.

“Residents of Bicol region, Eastern Visayas, Central Visayas and CARAGA will have cloudy skies with scattered rain showers and thunderstorms due to the LPA.The weather disturbance was last seen 215 kilometers east northeast of Hinatuan in Surigao del Sur or 280 km east of Surigao City in Surigao del Norte,” ayon sa isang ulat.

Ang PAGASA weather specialist na si Benison Estareja ay nagsabi na ang LPA ay malabong maging tropical cyclone, ngunit magbibigay ito ng mga kalat kalat na pag-ulat sa bahagi ng Visayas at Mindanao.

Samantala, ang northeast monsoon o ang amihan naman ang sa bahagi ng Luzon.

“The northeast monsoon will trigger rains in Cagayan Valley and Apayao, and light rains in Metro Manila and the rest of Luzon,” ayon sa kanilang ulat.

Matatandaang nitong unang bahagi ng Disyembre ay nagsabi ang PAGASA na maaaring dalawang tropical cyclone pa ang pumasok sa Philippine Area of Responsibility.

The post Mga pag-ulan sa Bicol, Visayas, at CARAGA asahan dahil sa LPA first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT