Sumirit pa sa 46 ang death toll sa matinding pag-ulan at pagbaha nitong Christmas weekend.
Mula ito sa 39 death toll na iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kahapon, Disyembre 29.
Ang 24 namatay ay mula sa Northern Mindanao; anim mula sa Bicol Region; tig-apat sa Zamboanga Peninsula, Davao Region at Eastern Visayas; tatlo mula sa Caraga; at isa mula sa Mimaropa.
Sa bilang ng namatay, 13 umano ang na-validate na.
Samantala, 12 pa ang sugatan habang 28 ang nawawala. (IS)
The post Namatay sa matinding pag-ulan noong Pasko, nadagdagan pa first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento