Good vibes ang hatid ng isang netizen matapos nitong ibahagi ang isang larawan kung saan makikita ang nakakalulang presyo ng sapatos na nasa lagpas P300,000 ang halaga.

Reregaluhan umano dapat niya ang kaniyang sarili ngunit napailing na lang ito nang makita ang presyo.

“Regalo ko sana sa sarili ngayong pasko. Naghahanap ako ng size 8.5 wala naman ako makitang pambayad.” saad sa caption ni John Paul Naga.

Ang sapatos na hawak ng netizen ay isang Jordan 1 Low na collaboration kasama ang sikat na fashion brand na Dior kaya naman nakakalula talaga ang presyo na ito, ang sapatos na ito ang isa sa mga pinakamahal na sapatos na matatagpuan sa buong mundo.

“Ilang netizens naman ang may hirit sa nasabing larawan.”

“Mura na po yun umaabot yan ng half million”

“lupa nalang kesa sapatos.. sorry mahirap lang po ako .. kaya talagang ito choice..”

“Pero good price yan ah. Usually 500k bentahan ng size na yan e” (CS)

Regalo ko sana sa sarili ngayong pasko.

Naghahanap ako ng size 8.5 wala naman ako makitang pambayad.

Posted by John Paul Naga on Wednesday, 14 December 2022

The post Nasaan kaya ang pambayad? Netizen ginulantang ng presyo ng sapatos first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT