Ilang netizen ang nainis sa trapik dahil sa Parade of Stars para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Quezon City nitong Miyerkoles, Disyembre 21.

Pumarada ang mga float ng walong pelikulang kalahok sa MMFF sakay ang mga bidang artista.

Nauna nang nag-abiso ang Metro Manila Development Authority na iwasan ang bahagi ng Quezon Avenue mula Mabuhay Rotonda hanggang Quezon Memorial Circle na daraanan ng Parade of Stars na nagsimula ng alas-4 ng hapon.

Naglabas din sila ng mga alternatibong ruta dahil sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa lugar.

Narito ang reaksyon ng ilang netizen, na nag-post din ng video ng pagkaipit nila sa trapik.

“MMFF lakas mo talaga.. Gala mo yun sobrang traffic nanga lalo pa naging traffic dahil sayo… next time gawin niyo madaling araw para d maka perwisyo ng motorista.”

“As usual, people thinking only of themselves. This parade caused monstrous traffic and terrible inconvenience to commuters… #MMFFParadeOfStars.”

“Huhu traffic in QC is real. #MMFFParadeOfStars #jirita.”

“Ang traffic grabe Mmff.”

“Heavy traffic Quezon City Elliptical road. Due to MMFF.”

“Traffic grrrrrr.”

“Sa traffic ka lng pla mkakakita ng mga artista eh.”

“Parang nag O.T din ako ng dalawang oras sa traffic sa Quezon Ave. awit na MMFF parade na yan sana nag o.t nalang ako.”

#Parade ng MMFF going to Visayas Ave and Quezon ave. QC MC Ang tungo nila dahilan NG subrang traffic.” (IS)

The post Netizens imbiyerna sa nilikhang trapik ng Parade of Stars: ‘Next time gawin sa madaling-araw’ first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT