Dinumog ng mga tao si dating Narvacan Mayor Chavit Singson sa isang kasalan sa Ilocos Sur.

Ito’y dahil lahat lang naman ng bisita ay binigyan niya ng tig-P500!

Sa Instagram post ni Chavit, makikitang sinabitan ni Chavit ng ilang P500 bills ang damit ng couple na bagong kasal.

Bukod pa dito, hindi rin umuwing walang pamasko ang bawat bisita dahil inabutan din sila ni Chavit ng pera.

“Gov @luischavitsingson nag Ninong sa kasal sa Ilocos Sur. Lahat ng bisita at buong barangay pinamaskuhan ng tig-500 pesos,” ayon sa caption ni Singson.

Hindi ito ang unang beses na nagbigay ng pamasko si Chavit ngayong taon.

Noong December 20 ay nagbigay rin siya ng P1,000 at P500 sa mga supporter na sumalubong sa kanya sa isang airport. (RP)

The post Ninong Chavit namudmod ng P500 sa kasalan first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT