Naobserbahan ng Department of Justice (DOJ) ang steady increase sa kaso ng online sexual exploitation sa mga menor-de-edad sa bansa.

Ayon sa pahayag ni DOJ spokesperson Atty. Mico Clavano, ang consistent at sharp rise sa bilang ng IP addresses para sa Child Sexual Exploitation (CSE) na nauugnay sa Pilipinas ay napansin mula sa 2,326 IP addresses noong 2014 sa 4,872 noong 2017.

Nakatanggap din umano ang bansa ng mahigit walong beses na referrals, matapos tukuyin ito ng global law enforcement case data.

Batay sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), mayroong 130% increase sa Suspicious Transaction Reports (STRs) na kinasasangkutan ng online sexual abuse or exploitation of children (OSAEC) mula 2019 hanggang 2020, dagdag pa ng DOJ.

Mula naman sa 19,013 STRs na may kaugnayan sa OSEC noong 2019, sinasabing domoble pa ito sa 47,937 noong 2020.
(Jan Terence)

The post Online child sexual exploitation sa PH, patuloy pa rin first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT