Paniguradong masagana ang Pasko ng isang mananaya matapos niyang masungkit ang P114 million jackpot prize sa Mega Lotto 6/45.

Sa lotto draw nitong Biyernes, December 23, 2022, nasaktuhan ng isang bettor ang winning combination na 11-21-01-12-17-03.

Ang eksaktong napanalunan ng lucky bettor ay P114,327,454.00.

Samantala, 183 mananaya naman ang nakakuha ng P32,000 matapos nilang makuha ang limang numero.

Wala namang nakakuha ng jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 na umabot na sa P470 million!

The post P114M sinolo ng swerteng mananaya bago mag-Pasko! first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT