Nasamsam ang P2 milyong halaga ng shabu sa Caloocan mula sa dalawang umano’y miyembro ng isang drug group.

Nadakip ang mga suspek na sina Ameer Hussein Abedin Dipatuan Abas at Jonathan Lala Dipatuan sa isinagawang entarpment operation ng Caloocan City Police.

Narekober sa mga suspek ang isang plastic sachet, tatlong plastic bag na naglalaman ng kabuuang 300 gramo ng hinihinalang shabu, at buy-bust money.

Dahil dito nahaharap ang dalawa sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (STN)

The post P2M na shabu nasabat sa Caloocan, 2 arestado first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT