Hiniling ng House Committee on Dangerous Drugs ang pagpapatuloy ng operasyon ng Congressional Oversight Committee on Dangerous Drugs.

Inendorso ng House panel sa plenaryo ng Kamara de Representantes na pagtibayin ang House Joint Resolution 14 upang mapalawig ang buhay ng oversight committee ng 10 taon o hanggang Hulyo 4, 2032.

Alinsunod sa Section 95 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, itinayo ang Congressional Oversight Committee on Dangerous Drugs.

Ito ay binubuo ng tig-pitong miyembro ng Kamara at Senado sa pangunguna ng chairperson ng House Committee on Dangerous Drugs at Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.

Binigyan ng 10 taon ang buhay ng oversight committee. Pinalawig ng noon ay Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang buhay ng oversight committee ng 10 taon o hanggang 2022.

“The Congressional Oversight Committee on Dangerous Drugs still has to monitor and ensure proper implementation of authorized drug testing, establishment and operation of drug treatment and rehabilitation centers and the joint anti-drug operations of the Philippine Drug Enforcement Agency, the Philippine National Police, and the National Bureau of Investigation,” sabi sa joint resolution. (Billy Begas)

The post Pagpapatuloy ng Congressional Oversight Committee on Dangerous Drugs hiniling first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT