Magkakaroon ng pagtaas sa kontribusyon sa Philhealth at SSS simula ngayong Enero 2023.

Umaabot sa 1 percent ang taas sa kontribusyon sa SSS kasabay ng paglaki ng salary credit ng mga emple­yado na P30,000. Ayon sa report, ang taas ay aakuin ng mga employer alinsunod sa SSS Law.

“Yung increase po ng contribution na 1 percent will be borne by our employers, hindi po sa empleyado hetong 2023 ‘yung increase na 1 percent,” saad ni SSS President at CEO Michael Regino.

Samantala, magkakaroon naman ng .5 percent naman ang magi­ging dagdag sa kontribusyon sa PhilHealth mula sa kasalukuyang 4 percent o magiging 4.5 percent simula sa Enero.

Inihalimbawa dito na kung ang sahod ng manggagawa ay P10,000, tataas ng P450 ang hulog nito mula P400 samantalang kung mas mataas sa P10,000 hanggang mababa sa P80,000 ang sahod ng manggagawa, aabutin sa P50 hanggang P850 ang magiging dagdag-kontribusyon ng PhilHealth members.

Kung P90,000 and above, isa lang ang babayaran nyan P4,050 a month so kung employed ka hati kayo ng employer nyo, 50-percent, 50 percent,” sabi ni PhilHealth Spokesperson Shirley Domingo.

Dagdag ni Do­mingo na ang taas kontribusyon sa PhilHealth ay upang mapahusay ang benepisyong natatanggap ng mga miyembro.

The post Pagtaas ng kontribusyon sa Philhealth, SSS tataas simula Enero 2023 first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT