Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukala na magtayo ng Philippine Center for Disease Control and Prevention.
Sa ilalim ng House Bill 6522, na inaprubahan sa pamamagitan ng voice voting, ang itatayong Centers ay isasailalim sa Department of Health (DOH).
Ang CDC ang siyang mangangasiwa at gagawa ng hakbang upang makontrol ang pagkalat ng mga sakit.
Kasama rin sa mandato nito ang disease surveillance at pangongolekta ng mga datos na magagamit sa pagbabantay sa mga sakit. Ito rin ay inaatasan na magtayo ng mga kinakailangang public health laboratory.
Ang Center ay pamumunuan ng Director General na mayroong ranggong undersecretary at itatalaga ng Pangulo. (Billy Begas)
The post Pagtatayo ng Center for Disease Control and Prevention pasado sa 2nd reading ng Kamara first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento