Umusad na ang panukala na ideklara bilang garlic capital ng bansa ang Ilocos Norte.

Ang House Bill 4337 ay inaprubahan sa ikalawang pagbasa sa pamamagitan ng voice voting.

Layunin ng panukala na kilalanin ang Ilocos Norte bilang pinakamalaking producer ng bawang sa bansa.

Nais din nito na magsilbing inspirasyon upang dumami ang produksyon ng lokal na bawang at maging isa sa mga magtutulak sa pag-angat ng ekonomiya.

Bukod sa potensyal na kita mula sa pag-export, ang pagtatanim ng bawang ay nagbibigay ng kabuhayan sa mga magsasaka. (Billy Begas)

The post Panukala na gawing garlic capital Ilocos Norte umusad first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT