Inaprubahan ng House Committee on Micro, Small and Medium Enterprise Development ang panukala naglalayong tulungan ang mga maliliit na negosyante na nangangailangang umutang.

Sa ilalim ng panukala, itatayo ang Pondo sa Pagbabago at Pag Asenso Program (P3) upang matulungan ang mga micro, small and medium enterprises (MSME) na makabangon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ang P3 program ay inaasahan na magiging alternatibo ng mga negosyante na lumalapit sa 5-6 na pautang.

Ang substitute bill ay mula sa pinagsama-samang bersyon ng mga panukalang inihain nina Representatives Emigdio Tanjuatco III, Michael Romero, Ph.D., Faustino Dy V, LRay Villafuerte Jr., Virgilio Lacson, Eric Go Yap, Christian Unabia at Arnel Panaligan.

Inaprubahan din ng komite ang pagbuo ng committee report na isusumite sa plenaryo ng Kamara kung saan ito muling pag-uusapan. (Billy Begas)

The post Panukalang panlaban sa 5-6 inaprubahan ng House panel first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT