Kinagiliwan ng netizens ang isang pari at mga sakristan sa Cebu dahil sa pagkasa nila sa viral dance craze na “Ting Ting Tang Ting”.

Mula ang pari at mga sakristan sa St. Thomas of Villanueva Parish sa Danao City.

Isinagawa umano ito para makalikom ng dagdag na abuloy sa simbahan.

Sa video na ipinost sa Facebook ni Yeng Abinales, makikita ang pari na nagsasayaw sa harap ng altar habang ang kanyang mga sakristan ay nakapalibot sa kanya.

Nagsigawan at nagpalakpakan ang mga nagsimba sa pampa-good vibes ng pari at mga sakristan. (IS)

The post Pari, mga sakristan kumasa sa ‘Ting Ting Tang Ting’ dance challenge first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT