Nakapagsarado ng P9.8 bilyong potensyal na pamumuhunan sa bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa kaniyang kauna-umahang byahe sa Europa.
Masayang ibinalita ng Pangulo nitong Huwebes ng gabi pagdating sa bansa ang matagumpay at mabungang biyahe nito sa Brussels, Belgium.
Ayon sa Pangulo, mataas ang kumpiyansa ng mga European businessmen sa Pilipinas kaya nangako ang mga ito na palalawigin ang kanilang pagnenegosyo at pamumuhunan sa bansa.
“I am pleased to announce that European business confidence in Philippines is high as evidenced by the expansion plans of European companies,” saad ng Pangulo.
Kabilang sa mga nagbigay ng commitment para sa kanilang business expansion sa Pilipinas ay mga negosyanteng nasa consumer goods, shipbuilding, renewable energy at green metals.
Sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na maganda ang resulta ng kaniyang pagdalo sa ASEAN-EU commemorative summit dahil natutok ang atensyon ng European Union sa Asia-Pacific region para isulong ang bagong pandaigdigang ekonomiya. (Aileen Taliping)
The post PBBM nakakuha ng P9.8 bilyon na halaga ng investment pledges first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento