Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang seremonya sa blessing ng dalawang bagong air assets ng Philippine Air Force (PAF).

Ang dalawang ATAK Helicopters na binili ng Pilipinas sa Turkey ang pinakabagong karagdagan sa air assets ng gobyerno sa ilalim ng modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa kanyang pagdalo sa seremonya, ipinaabot ng Pangulo ang Turkish Aerospace Industries at Turkish government sa patuloy na suporta sa Pilipinas.

Malaki aniya ang papel ng Turkish Aerospace Industries at gobyerno ng Turkey sa pagpapalakas sa puwersa ng PAF.

Kinilala rin ni Pangulong Marcos Jr. ang serbisyo at husay ng PAF partikular na sa aspeto ng panlabas na depensa,internal security operations at relief operations. (Aileen Taliping)

The post PBBM pinangunahan ang ceremonial blessing ng mga bagong helicopter ng PAF first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT