Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang media dahil sa suporta sa public information.

Ang pasasalamat ay ginawa ng Pangulo sa mga miyembro ng Malacanang Press Corps sa isang salo-salo sa Palasyo nitong Sabado ng gabi.

Batid ng Presidente kung paano magtrabaho ang media para makakuha ng tamang impormasyon kaya personal na ipinaabot ang pasasalamat sa mga ito.

“So this is our version for all of you who have been so supportive… I know you have been working very, very hard to get the news out so that people know what’s going on, what we are doing here,” anang Pangulo.

Dahil aniya holiday season, dapat lamang na maghinay-hinay pansamantala, magpahinga at sumabay sa pagdiriwang ng sambayanan ngayong kapaskuhan.

“It is always important to take… especially pagka ganito na ano, ganito na holiday lalo na sa Pinoy, ang Pasko, it’s always important to take a step back a little bit, recharge and think again about what we are doing and that’s what Christmas is to me,” dagdag ng Pangulo.

Ipinaabot ni Pangulong Marcos Jr. ang pagbati ng maligayang pasko sa mga miyembro ng MPC. (Aileen Taliping)

The post PBBM pinasalamatan ang media first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT