Nasa 92% ng mga Pilipino ang masaya sa paraan ng pamamahala ng gobyerno sa COVID-19 pandemic, batay sa 2022 fourth quarter survey ng OCTA Research.

Isinagawa ang “Tugon ng Masa” survey sa may 1,200 respondents noong Oktubre 23 hanggang Oktubre 27.

Ayon sa OCTA, tumaas ang approval rating ng 10% mula sa “Tugon ng Masa” survey na isinagawa noong March 2022.

Taong 2020 naitala ang unang kaso ng novel coronavirus sa Pilipinas, isang 38-anyos na babae na dumating mula sa Wuhan, China noong Marso 31.

Mula noon ay umabot na sa apat na milyong katao sa bansa ang tinamaan ng COVID-19, mahigit 65,000 ang namatay. (IS)

The post Pinoy aprub sa COVID response ng gobyerno – OCTA survey first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT