Sumakabilang-buhay na sa edad na 95 si Pope Benedict XVI sa huling araw ng 2022.

Inanunsyo ng Holy See Press Office ang pagpanaw ng dating Santo Papa, ayon sa report ay yumao si Pope Benedict XVI nitong December 31, alas-9:34 ng umaga.

“With sorrow I inform you that the Pope Emeritus, Benedict XVI, passed away today at 9:34 AM in the Mater Ecclesiae Monastery in the Vatican,” ayon sa anunsyo ng Holy See Press Office.

Ilang araw na umanong lumalala ang health condition ng Pope Emeritus dahil na rin sa edad nito.

Matatandaan na binahagi ni Pope Francis ang update sa kalusugan ng kanyang predecessor noong December 28, kung saan humiling siya na ipagdasal si Pope Benedict XVI.

Si Pope Emeritus Benedict XVI, na nakilala rin bilang si Joseph Ratzinger, ay makikilala bilang unang Santo Papa na nag-resign sa kanyang posisyon buhat noong 1415.

Taong 2013 noong iwan ni Benedict XVI ang pagiging Santo Papa dahil umano sa kanyang edad. Siya ang naging Pope noong siya ay 78-anyos.

The post Pope Benedict XVI pumanaw na first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT