Sa isang interview ni Reymund Tinaza sa Politiko, nilinaw ni Senador Raffy Tulfo na siya ang pinakamahirap na Tulfo.

“Ikaw ba o yung pamilya nyo talagang mayaman, dahil lagi kang nag-aabono eh even yung pamasahe sa eroplano, minsan yung mga tinutulungan mo na makita yung pamilya, yung anak na nawawala, yung mga away ng mag-ina na magtagpo eh minsan may mga galing Davao, galing ng GenSan, galing Mindanao area papuntang Manila, so mayaman ba kayo, yung pamilya nyo,” tanong ni Tinaza kay Sen Tulfo.

Natawa naman si Sen. Tulfo sa katanungan at nilinaw ang isyu hinggil sa kanilang yaman.

“Mahirap ako, in fact ako ang pinakamahirap sa pamilyang Tulfo, dahil sampu kami, ‘di masyado ako natututukan,”

Dagdag pa ni Sen. Tulfo ay galing sa endorsements ang kaniyang kinikita.

“Meron kasi akong mga endorsements,”

“Doon kumikita ako ng maayos,” 

“Sa mga sponsors na nagpe-place ng ads sa programa ko,”

(CS)

The post Raffy Tulfo: Ako ang pinakamahirap na Tulfo first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT