Araw-araw ay maraming lumalapit kay Senador Raffy Tulfo para magreklamo sa kanyang show na ‘Wanted sa Radyo’.

At hindi lahat ng complainant ay honest sa kanilang sinusumbong. Kaya naman may mga palatandaan na si Sen. Tulfo kung nagsasabi ba ng totoo o hindi ang isang tao.

Sa ‘Mahiwagang Mundo ng Politiko’ sa Politiko Live, binahagi ni Tulfo ang kanyang sikreto kaya palaging nalalaman kung nagsisinungaling ba ang kanilang complainant.

“Ang tawag diyan, experience in action,” lahad ni Tulfo.

“Tatlong dekada na mahigit na tayong may karanasan. Nakakahalibulo, nakakaharap ko personal ‘yung mga nagsusumbong so pretty much, nagkakaroon ako ng assessment, ito ba’y nagsasabi ng totoo o hindi?” wika niya.

Aniya, nakikita niya sa demeanor, paraan ng pagsasalita, at iba pang gawi ng isang tao kung may itinatago ba ito o naging honest habang kausap ni Tulfo.

Pero paliwanag niya, hindi pa rin maiiwasan na minsan ay may complainant na niloloko siya.

“In rare cases, naaano pa rin ako, naiisahan pa rin. ‘Yon pala’y niloloko pa rin ako ng complainant,” lahad ni Tulfo. “9 out of ten, sa siyam na ‘yan hindi ako nalulusutan,”

Pero hindi pa rin naman daw ito nakakalusot dahil kapag nag-follow-up na ang kanyang mga reporter ay nalalaman pa rin nila kung may problema ba sa kanilang complainant. (Ray Mark Patriarca)

The post Raffy Tulfo nilantad sikreto kung bakit hindi nagagantso ng complainant first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT