Niresbakan ng netizens ang broadcaster na si Ramon Tulfo matapos niyang banatan ang isinuot ni Vice President Sara Duterte sa isang Christmas party.

Saad ni Tulfo, kailanman ay hindi umano ginawa ng mga nagdaang Pangalawang Pangulo ang magsuot ng “katawa-tawang costume”.

Dagdag niya, dapat iginalang umano ni VP Duterte ang puwesto ng pangalawang lider ng bansa.

Sa naturang Christmas party ng opisina ng Bise Presidente na Coachella-themed, nagsuot si VP Duterte ng crop top.

Banat ni Tulfo sa viral Facebook post:

“Ito ba ang Pangalawang Pangulo ng bansa?

“Oo nga’t may paligsahan ng mga costume sa Christmas party sa Office of the Vice President (OVP), pero kelangan ba niyang sumali at ipababa ang kanyang kagalang-galang na puwesto?

“Di ginawa ni Leni Robredo ang magsuot ng katawa-tawang costume. Di rin ginawa ni Jojo Binay. Di rin ginawa ni Noli de Castro. At di rin ginawa ni Erap Estrada kahit siya’y lasenggo.

“Di ginawa ng mga nauna kay Sara Duterte ang magsuot ng nakakatawang costume dahil ginalang nila ang puwesto ng pangalawang lider ng bansa.

“Sara should exercise a modicum of decorum befitting her position.”

Sey ng mga netizen, walang masama sa isinuot ni VP Duterte dahil Christmas party naman at kasiyahan. Hindi rin naman umano ito malaswa.

“Leave her ALONE! XMAS PARTY naman at may costume . Hindi nga ginawa ng ibang VP gaya ni Leni kasi hindi nya BAGAYYYY . GET IT???”

“Wow, anong masama sa suot ni inday? hindi naman nag hubad.”

“Paki check Po mabuti sir Mon un Akala nyo skin ni vp n nakalabas eh tela Po un n naterno s craptop Po ny… be sensitive nmn Po sana tyo s mga wlang kabagay bagay n issue.. spread love po at Xmas peace.”

“VP SARA lang ang SAKALAM, tao lang bakit porke’t VP hindi puede mag saya…”

“D rin malaswa. cool nga. bagay din sa nagsuot maganda.”

“Maybe pinakita lng ni vice na maganda cya.”

“So cute! Go VP!” (IS)

The post Ramon Tulfo binanatan Christmas party outfit ni VP Sara: ‘Di ginawa ni Leni Robredo ang magsuot ng katawa-tawang costume’ first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT