Nababahala si Senadora Risa Hontiveros sa panukala ng pagtatatag ng sovereign wealth fund (SWF), na ayon sa kaniya ay salungat sa mga layuning pang-ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Hontiveros, mas magagamit ang badyet sa pagtugon sa mga pangangailangan tulad ng edukasyon, pangangalaga sa kalusugan at agrikultura.

“An SWF is meant to come from excess funds we just don’t have, as seen by our trillions-worth of debt. We don’t need an SWF and we clearly can’t afford it anyway. Kakain lang itong SWF sa budget na kailangan natin para tugunan ang mga krisis. Dapat unahin ang mga urgent priorities natin. Just like the misplaced confidential funds, an SWF is an unnecessary and unjustified move,” sabi ni Hontiveros.

“Lalo lang aakyat ang presyo ng bilihin kung itutulak natin ito. Hirap na hirap na yung mga kababayan natin bumili ng pagkain at gamot sa ngayon. Instead of helping Filipinos afford everyday needs, we will be making it even harder for everyone,” dagdag pa niya.

Sinabi ng senadora na ang ganitong uri ng investment fund ay delikado sa isang bansang umaasa sa langis tulad ng Pilipinas, hindi tulad ng kapitbahay nitong mayaman sa langis na Indonesia.

“Indonesia has those super profits from their coal and oil exports. We, on the other hand, have super trade deficits. So, considering today’s economic uncertainty, setting up the Maharlika Fund has neither rhyme nor rythmn. How can we set something aside for the rainy days, when our national budget itself is deficit-funded?,” saad ni Hontiveros.

“And even with Indonesia’s oil commodity boom, 90 percent of their SWF capitalization will be sourced from foreign institutional investors. We are not at this level at all,” punto pa ng Senador.

Sa kasalukuyan, ang trade deficit ng bansa ay nasa 7%, kabilang sa pinakamatataas sa mundo.

Pinanigan din ni Hontiveros ang babala ni BSP Governor Felipe Medalla na kailangan natin ng mas maraming reserbang dolyar, hindi pababa.

“These are the most difficult times for central bankers, like Gov. Medalla. Gumegewang ang piso. Malinaw na walang sobrang dollar reserves na pwedeng i-subi para sa gustong Maharlika Fund. I do hope we get to keep him on board, even after he has publicly disagreed with the DOF Secretary” aniya. (Dindo Matining)

The post Risa Hontiveros: Sovereign fund, hindi kailangan first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT