Nanawagan si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga Pilipino na isama sa kanilang dasal ang mga mambabatas upang magabayan ang mga ito sa pagtulak sa bansa sa tamang direksyon.

Ayon kay Romualdez ang tamang direksyon ay ang daan patungo sa mas matatag na ekonomiya kung saan walang maiiwan kung saan mayroong sapat na suplay ng pagkain at patuloy na pag-unlad.

“We (lawmakers) understand the importance and necessity of our job, and we will always strive to fulfill our duty to the best of our abilities. We will maintain the highest standards, adhere to the principles of law and justice, and protect the rights of all citizens. We will not falter in our commitment to serve the public for the greater good and we resolve to make the necessary sacrifices to help each other in these challenging times,” sabi ni Romualdez.

Habang nagsasama-sama ang mga miyembro ng pamilya at magkakaibigan sa pagsalubong sa bagong taon, sinabi ni Romualdez na panahon din upang magpasalamat sa lumipas na taon at umasa na mas magiging maganda ang hinaharap.

“The opening of a new year is an opportunity to start fresh, whether we set out goals for self-improvement, rekindle broken ties, embark on career advancement, or just enjoy the simple pleasures of life. The beginning of the year should serve as a reminder to enjoy life and make the most of what we have,” dagdag pa ni Romualdez.

Ang mga aral na natutunan ay papalipas na taon ay dapat din umanong pag-isipan kung papaano magagamit upang mas maganda ang bagong taon.

“May the coming year bring peace, prosperity, and health to everyone. I wish you all a very Happy New Year!” sabi pa ng lider ng Kamara.

Sa maikling panahon ng 19th Congress, sinabi ni Romualdez na nalagpasan ng Kamara ang inaasahang magagawa nito sa pagpasa ng mga panukalang batas at dahil ito sa magandang pagtatrabaho ng mga miyembro ng Kamara upang matugunan ang mga pangangailangan ng panahon. (Billy Begas)

The post Romualdez nanawagan ng dasal para sa mga mambabatas upang maitulak ang bansa sa tamang direksyon first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT