Hindi kumbinsido si dating Election Commissioner at P3PWD party-list nominee Rowena Guanzon sa pahayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na pwedeng makapag-noche buena ang isang pamilya na may limang miyembro sa halagang P500.

Sa isang post sa Twitter sinabi ni Guanzon na “Pag inulit pa ni @DTI Castelo na kasya na ang P500 sa Noche Buena padadalhan ko sya ng Christmas Gift n P500 worth na goods, including 1/8th kg giniling na baboy.”

Ang tinutukoy ni Guanzon ay si DTI Undersecretary Ruth Castelo na inulan ng kritisismo ng sabihin na kaysa ang P500 para sa tradisyonal na hapunan sa bisperas ng Pasko.

Nagpalabas ang DTI ng price guide upang malaman at makapamili umano ang publiko ng kanilang bibilhin na produktong pang-noche buena. (Billy Begas)

The post Rowena Guanzon hindi kumbinsido sa P500 pang noche buena ng DTI first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT