Ipinakita ng isang “online study” na ang San Agustin Church sa Intramuros, Manila ang pinakamagandang gusali sa Pilipinas.

Ayon sa isang ulat, “home improvement website Angi, formerly Angie’s List, researched reviews on travel site TripAdvisor from 132 countries for mentions of the word “beautiful,” identifying the buildings that were mentioned.”

Ang datos ay nakolekta simula Disyembre 2021 at Enero 2022 na may kategoryang katulad ng architectural buildings, churches and cathedrals, government buildings, religious sites, historic sites, at points of interest.

Sa pag-aaral na ito nga napag-alamang ang San Agustin Church o ang Immaculate Conception Parish, at tinatawag ding Archdiocesan Shrine of Our Lady of Consolation and Cincture ay ang pinakamagandang gusali sa Pilipinas.

Kinilala rin ito bilang World Heritage Site ng UNESCO noong 1993.

Ang gusali rin ay nabalitaang nasunog nang dalawang beses bago ito naitayo noong 1607. Ito ang pinakamatandang simbahan sa Pilipinas na gawa sa bato.

Nasaksihan ng simbahan na ito ang “Battle of Manila” noong 18th siglo at ang ikalawang digmaang pandaigdaig na ang nag-kolonya sa bansa ay ang mga hapones.
(Jan Terence)

The post San Agustin Church, pinakamagandang gusali sa Pilipinas first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT