Isang resolusyon ang inihain sa Senado na nagbibigay pugay sa buhay ng ‘Queen of Kundiman’ ng Pilipinas na si Sylvia La Torre.

Naghain si Sen. Manuel ‘Lito’ Lapid ng Senate Resolution No. 338 na nagpapahayag ng simpatya at pakikiramay sa pagpanaw ng legendary singer at Filipino icon na si La Torre.

“La Torre, was a true artist in every sense of the word, her immeasurable contributions to Philippine Folk and popular music are unparalleled,” sabi ni Lapid sa resolusyon.

Sabi ng senador, nagsilbing inspirasyon ang husay sa singing ni La Torre ng mga kapwa niya artist ana ngayon ay kinikilalang mga icon ng Philippine entertainment industry.

“Her classics such as ‘Waray, Waray,’ ‘Your Face Sounds Familiar,’ ‘Sa Kabukiran,’ and ‘Mutya ng Pasig,’ and many other songs have been adapted and performed by the likes of Freddie Aguilar and Elizabeth Ramsey and many more artists who had her as their role model,” sabi pa sa resolusyon.

Sumakabilang buhay si La Torre noong Disyembre 1, 2022. Ang kaniyang pagpanaw ay kinumpirma ng kaniyang apo at aktres na si Anna Maria Perez de Tagle.

Naging iskolar si La Torre sa University of Santo Tomas Conservatory of Music at sumulat at nakapagtala ng 300 awitin sa kaniyang buong buhay.

Samantala, naghain din ng hiwalay na resolusyon si Senador Jinggoy Estrada na kumikilala sa hindi matatawarang kontribusyon sa sining at kultura ng bansa.

“A music icon, trailblazing entertainer, and a pioneer for female Filipino performers, her rich legacy of outstanding performances and recording of original Filipino music merits a tribute from the Senate,” sabi ni Estrada. (Dindo Matining)

The post Senado nagbigay pugay sa ‘Queen of Kundiman’ Sylvia La Torre first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT