Umabot na sa P720 kada kilo ang sibuyas sa ilang palengke sa buong Metro Manila.

Matatandaang nasa P500 hanggang P600 ang kada kilo ng sibuyas kahapon.

Ayon sa ilang vendor ng sibuyas, tumataas ang presyo nito dahil kumokonti umano ang suplay ng mga sibuyas na dumarating sa mga palengke.

Ang mga nakaraang kalamidad din ang may malaking dahilan kung bakit nagkukulang ang mga suplay ngayon ng sibuyas.

Samantala, ginagawan na umano ng paraan ng Department of Agriculture kung paano maayos ito sa gitna nang pag-inda ng mga mamimili sa patuloy na pagtaas ng presyu ng sibuyas.

The post Sibuyas, P720 na kada kilo! first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT