Dahil sa mataas na kaso ng hand, foot and mouth disease (HFMD), isinailalim ang isang silid-aralan sa La Union sa lockdown.
Inirekomenda ang lockdown upang maiwasan ang pagkalat ng nasabing disease sa mga estudyante.
Higit sa limang estudyante mula sa kindergarten hanggang grade 2 ang infected.
Pinayuhan naman na ang mga magulang ng mga bata na tinamaan ng disease na i-isolate muna ang kanilang anak hanggang ito ay makarekober na.
19 na paaralan na umano sa nasabing lugar ang nakapagtala ng kaso ng HFMD.
May sagot naman si DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire hinggil sa katanungan kung kailangan na ba na magdeklara ng HFMD outbreak.
“For us to consider and trigger a declaration of an outbreak. Unang-una surveillance data would support and say na tumaas siya for the past five years,” sagot nito.
The post Silid-aralan sa La Union naka-lockdown dahil sa HFMD first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento