Tinatayang nasa P88 milyon na halaga ng smuggled na puti at pulang sibuyas at iba pang produktong agrikultural ang nasabat ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BoC) sa ikinasa nitong operasyon sa Manila International Container Port.

Makikita ang tambak-tambak na kahon na naglalaman ng mga produkto.

Kamakailan lang ay sumirit ang presyo ng sibuyas at maraming mamimili ang umaray dahil sa laki ng itinaas ng presyo nito.

(CS)

The post Smuggled na puti at pulang sibuyas, nasabat ng DA first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT