Nagpahayag ng kalungkutan ang isang kongresista sa naranasan nitong hindi magandang serbisyo ng Cebu Pacific.

Nag-post si Zamboanga City Rep. Khymer Olaso sa Facebook kaugnay ng kaniyang naranasan noong Disyembre 19 sa kaniyang Zamboanga-Manila flight.

“So sad my flight was 0900hrs in the m9rning Zam to manila but.then it was canxelled and we flew about 1300 l9cal time and arrived at manila so late then waiting for our cargo now its already 1700 hrs local time we atill didnt get our cargo…sa sad very bad service from Cebupac…” sabi ni Olaso.

Si Olaso ay darating isang Christmas activity ng Kamara de Representantes.

Ipinost din ni Olaso ang isa pang larawan na kinuhanan sa airport ng Zamboanga kung saan kasama nito ang asawa na si Mary Joy at si House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose Dalipe. (Billy Begas)

The post Solon ikinalungkot ‘very bad service’ ng Cebupac first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT