Ilang araw pa bago ang pagsalubong sa Bagong Taon ay sumampa na sa 25 ang mga sugatan dahil sa paputok.

Ayon sa Department of Health nitong Martes, naitala sa 25 ang mga kaso ng fireworks-related injury.

14 porsiyento umano itong mataas kumpara sa 22 kaso na iniulat noong nakaraang taon sa kaparehong period.

Sa 25 fireworks-related injury, limang kaso ay mula sa Western Visayas, tig-tatlo ang mula sa Bicol Region, Central Visayas at Soccsksargen.

Dalawang kaso naman ang naitala sa Ilocos Region, Mimaropa, Davao Region at National Capital Region.

Tig-isa naman sa Central Luzon, Calabarzon at Cordillera Administrative Region.

13 kaso ang nagtamo ng pinsala sa mata, walo ang nagkapinsala sa kamay, tatlo sa bisig o braso at isa sa likuran.

Ang mga salaring paputok ay ang boga, whistle bomb, kwitis at 5-star. (IS)

The post Sugatan sa paputok lumobo sa 25 first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT