Tinatayang nasa apat na undersecretaries sa Office of the Press Secretary (OPS) ang mawawalan ng trabaho para sa susunod na taon, kasama na rin ang iba pang opisyal, ito ay ayon sa report ng Politiko.
Hinihintay na lang umano na maglabas ng executive order (EO) ang Malacañang upang pormal na ianunsyo ang pagtanggal sa mga miyembro ng OPS.
Walo umano ang undersecretaries na nagtatrabaho sa OPS at sa iba pang attached na ahensya.
Ang mga ahensya na attached sa OPS ay ang APO Production Unit, Bureau of Broadcast Services, Intercontinental Broadcasting Corporation, National Printing Office, News and Information Bureau, at People’s Television Network.
(CS)
The post Tanggalan na? Ilang miyembro ng OPS inaasahan na matatanggal sa trabaho first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento